Friday, July 16, 2010

Bawal basahin. Hahaha!


Nakakatawa. Kasi dati hindi naman ako naniniwala na posible ang isang long distance relationship. Sa umpisa, malulungkot ka ng sobra syempre. Pero pag mahal mo, balewala yung layo eh. Gagawa at gagawa ka ng paraan para makausap siya. Kahit gaano pa kamahal, o kahit gaano pa kahirap ang signal. Pag gusto, may paraan talaga.

Masaya ako kasi wala parin nagbabago. Kung ano kami dati, ganun parin ngayon. Ang pagkakaiba lang, di kami nagkikita ng personal. Pero feeling ko palagi ko parin siyang kasama. Multo? Hahaha biro lang! Pero seryoso, pakiramdam ko nandyan lang siya at busy lang sa trabaho. Lagi kami nag-uusap pero hindi kami pwedeng magkita, pero ok lang basta alam ko mga nangyayari sa kanya.

Nakakatawa ulit. Kasi dati hindi naman talaga ako naniniwala na posible ang isang long distance relationship. Ngayon, hindi na ako naniniwala na nawawala ang love at spark pag malayo kayo sa isa't isa. Parang mas lalong nadadagdagan pa nga. Habang naghihintay ako na makita at makasama siya, mas lalo ko pa siyang minamahal. Mas lalong gusto ko siyang yakapin.

Di ko kaya ng wala siya pero kakayanin ko.

Dahil sa isang long distance relationship, ang sumuko, talo.

Friday, July 2, 2010

A 1-week recap.

I wasn't able to write a blog for one week. So here's a summary of what happened. :)

June 24, Thursday

TG @ Gustav’s, Congressional Ave. Mark and the others were so inspired to plan a jamming session the day after because the singers were really good. Walang ka-effort effort. Four thumbs up. :P

June 25, Friday

Dinner at Baliwag, Visayas Ave. Jamming with friends at Mark's place. Kantahan all night. The Bar.


June 26, Saturday

First monthsary away from each other. May gift sakin si Beb, sobrang kewl! :D Natutuwa na ko kahit hindi ko pa nakukuha. Haha! Thank you beb!! I’m really excited!

Lie To Me marathon after 12mn.

June 27, Sunday

Nasisira na yata fone ko, nagrerestart. /me needs a new phone hehehe! Pizza Hut for merienda. Bought random stuffs. A new helper for our house arrived.

June 28, Monday

I was left alone in the office until almost lunch time. Quiet time, yey! Thank you! *bow* Busy as usual. After office, sobrang lakas ng ulan, walang nagawa yung payong ko. Pwede pigain yung rubber shoes ko sa sobrang basa. Buti nalang peke! Wahahaha! Malas lang. New helper left. What a super weird woman, I wanna kick her ass and then squeeze her! =)) I was really pissed, haha! Sumisinghot ata ng rugby yun eh.

June 29, Tuesday

Got my pay already. So after work, I went to Kogi Bulgogi (2/F Eastwood Mall) to buy a Korean dish for Mom. Jajangmyeon (a noodle dish with black bean sauce) – eto yung dish na gusting gusto niya ma-try - was not available during that time so I bought Bibimbap (mixed rice with red pepper paste) and Gimbap (seaweed rice). Yes, I googled everything before I went to that resto. Belk ng Korean!! So yun, my mom enjoyed her dinner naman, so I was really happy. Pero syempre di ko sinabi yun, I was just teasing her all night.

Went to Nogs’ house pala with Jurro, Candy and Kaell. Then we had ice cream at McDo Dahlia. Then kulitan na sa bahay. :)

June 30, Wednesday

Non-working holiday. Its official, we have a new President. Congratz to NoyBi! Sana mapabuti ninyo ang Pilipinas.

July 1, Thursday

In the morning, when I was about to ride the Eastwood shuttle, the person behind me stepped in my slippers, so naiwan yung isang pares, and I was blocking the door while I’m fixing it. Syempre nakakahiya pero natawa nalang ako, natawa nalang din sila. Haha! Busy at work. And then went home straight for Ate Maia’s birthday celeb. No TG for me today. Need lotsa rest! :)


So there. By the way, I still have that Father's Day card that I bought 2 weeks ago. Di ko parin nabibigay kasi di ko pa nakikita si Dad, 2 weeks na. :(

Added a chatbox nga pala dito sa site, wala kasi ako magawa nung isang araw. I remembered Cbox, my favorite chatbox, sooo easy to use and customize! :D