Friday, August 5, 2011

Mareklamong Friday!


Bakit ganun dito sa Pilipinas? Mahal lahat pero hindi naman tayo umaasenso.. Naisip ko lang lahat to dahil nagtaxi ako kanina, bawat patak 3.50! Kakagigil eh.. Sorry..

Nakakawalang gana magbayad ng tax at kung anuman sa gobyerno, kasi imbes na kurakutin KONTI, kinukurakot LAHAT. To the government: Magtira naman kayo para may makita kaming pagbabago. Lahat ng ginagamit namin, may tax. Tapos may tax pa sa sweldo, take note minimum pa sahod ko pero 16% binabawas nyo. Dapat yung tax, sa consumables nyo nalang singilin. PARA FAIR! Lahat ng gagamitin mo, bayaran mo. Parang ganun. Tapos yung tax sa sweldo, gawin nyo nalang minimal. Para naman yung pinagpapaguran ng mga empleyado, maiuwi nila, or kahit dumaan man lang sa mga palad nila... Kaya nawawalan ng gana magtrabaho dito sa bansa natin yung mga OFW eh. Garapalan kasi kayo maningil. Iniiba iba nyo pa yung mga department para hindi halata.

Tapos yung ibang mga tao naman, kala nila gobyerno lang walang silbe.. Di kaya, pati mga pinoy walang disiplina. May road widening, ginagawa namang parkingan. May overpass, tumatawid sa ilalim ng overpass. Nakalagay na ngang may namatay na dun, ayaw parin paawat. Tapos pag nadale, driver pa ng kotse may kasalanan. Kasalanan ba nung driver na hindi ka tumawid sa tamang tawiran? Kung makareklamo pa yung iba kala mo nagbabayad sila ng tax. Hoy wala kayong karapatan magreklamo pag sinira mga bahay nyo kasi una sa lahat, hindi nyo lupa yan. Pangalawa, kapal ng peys nyo manghingi ng bahay kapalit, eh wala naman kayong tinutulong sa Pilipinas. Ilang taon na kayo nakalibre sa bahay, its about time na gumastos naman kayo. Magtrabaho kayo! Pabigat kayo sa lahat ng empleyado. Hahaha!

Feelingera lang ako kasi nagbabayad na ako ng tax.

3 comments:

  1. Magreklamo tayo ng magreklamo sa gobyerno para sana balang araw marinig nila tayo. :P

    ReplyDelete
  2. kawawa naman yung nakatira sa hindi nila lupa. natawa ako dun. LOLs. kaw naman :D

    ReplyDelete
  3. hahaha! totoo naman diba? LOL :P

    ReplyDelete