"Be a good man.
Be good in the face of failure.
Sometimes, being the best means being the least.
Be good even after you made a mistake.
Sometimes being good just boils down to being able to say sorry.
Sometimes being good is loving the people who hurt you...
And making the most difficult choices that may hurt the people you love."
An excerpt from a John Lloyd movie.
May moral lessons din talaga doon, hindi puro kilig lang. :))
Sunday, October 19, 2014
Sunday, October 12, 2014
Long overdue PH government issues.
In the eyes of a normal citizen like me...
Dear politicians,
RIDING IN TANDEM.
Seriously? Hindi naman ito
major problem. Isang napakaliit na problema na madali naman solusyunan. Simple lang solusyon dyan: ipagbawal na ng tuluyan
ang "tandem". Pang-isang tao lang naman talaga ang motor diba?
Nag-aaksaya pa kayo ng oras parahin sila at tanungin isa isa. Dagdag pa kayo sa
traffic. 1) tapos problema nyo 2) for the motorists' safety na din, mahirap
kaya may naka angkas, takaw disgrasya lang yan 3) bawas holdap. Three birds
with one stone. :))
MAYON'S 6KM PERMANENT DANGER
ZONE.
Its called
"permanent" danger zone for a reason. Bakit ba hinahayaan nyong may
tumira doon? Tapos aalis lang sila pag puputok na yung bulkan. Mag-eevacuate
sila at gagastos ang gobyerno ng Php 178 million sa loob ng 3 months para
mapakain at alagaan sila. Sana hindi nalang sila doon nakatira, para yung mga
may mas tunay na pangangailangan ang makakuha ng tulong - hindi yung mga tao na
alam nang delikado eh pinagsisiksikan yung mga sarili nila sa permanent DANGER
ZONE. Ang nakakatawa pa nyan, pagkatapos ng pagputok ng bulkan, hahayaan nyo
nanaman sila bumalik doon. Tapos next eruption ganun nanaman. Ugh. What a waste
of resources.
TRAFFIC.
I'll keep this short and simple: It affects businesses, and
somehow, someday, it will hurt our economy. Somebody. Do. Something.
PNOY'S 2ND TERM.
If it will happen, I approve
of it. Why? Because during his term, madaming naglabasan na corruption issues.
And for me, its a start. Ibalik lahat ng pera ng Pilipinas, tapos saka
idistribute ulit to help others. Sana mabawasan na yung naibubulsa para
makinabang naman tayong lahat, hindi lang yung paisa isang politiko na may mga
mansyon sa iba ibang lupalop ng Pilipinas. Help the Philippines before you help
yourselves - this should be the motto of every politician. ANO MAGAGAWA NG
PERANG NINAKAW MO KUNG BABAKSAK LANG RIN NAMAN ANG PILIPINAS? Mag-aabroad ka?
Sige lumayas ka na! LOL. Pero kung tatakbo si Mayor Duterte, sa kanya nalang
ako boboto. I think that is what our country needs - FEAR of the government. Greed
kind of wasted the beauty of democracy here in the Philippines.
TAXES AND VOTERS.
Sa totoo lang, wish ko sana
yung mga tax payers lang ang pwede makaboto. I know, I know, ang sama ng
iniisip ko and its not fair. Pero isipin mo, pera ng taxpayers ang ninanakaw ng
mga politiko... pera ng taxpayers ang ginagamit ng gobyerno... pera ng
taxpayers ang bumubuhay sa Pilipinas. Kaya sana, taxpayers lang din ang pwede
magdecide kung sino ang magnanakaw at gagamit ng perang pinaghirapan at
pinagtrabahuhan nila. HINDI BA MAS FAIR YUN? Kung gusto mo may say ka, aba
magbayad ka rin, wala ng libre sa panahon ngayon. Just saying.
I just wish politicians would end their greed... and take care of the people who gave them money and power. If you're running for office, remember that you have a big responsibility to the Filipino people. Think of us as your family, treat us like your children who needs your support and care. Whats happening here now makes me sad. All the negative news of stealing and killing and pointing fingers - it needs to end. Lets all go for the greater good and not settle for the lesser evil. We are Pinoy, we can do this! :)
"HUMILITY - all GREAT leaders possess it."
Subscribe to:
Posts (Atom)