Sunday, February 8, 2015

NOYNOY IS NOT NINOY.



Why Philippine Politics is nakakalurkey.


Lahat nagagalit sa ginawang pagdedma ni PNoy sa pagsalubong sa dead bodies ng mga namatay na SAF. Hindi pa din maka move-on yung mga tao. But really, what do you expect from a president who is driven by show business?? Of course he would prioritize an inauguration, a wedding and an interview. Or maybe he thinks that a “bad publicity” would up his career a few notches. THIS IS WHAT HAPPENS WHEN YOU MIX SHOWBIZ AND POLITICS. It doesn’t work. Clearly, the Filipino people are blind. It already happened with Erap before right? HINDI NA TAYO NATUTUTO.

Being a president of a country is not a game, it’s not a race and it’s definitely not a competition. Lives of real people are at stake here. Pag sablay yung presidente, sablay din yung buong bansa… at kailangan natin magtiis for another 6 years to the end of his term. Ilang sundalo pa ang mamamatay sa kamay ng mga rebelde bago tayo gumising? Ilang pamilya pa ang maghihirap bago tayo matauhan?

WAG NINYO IPAGBILI ANG BOTO NYO. Wag nyo iboto dahil sikat, or dahil lagi nyo nakikita sa TV, or dahil bibigyan kayo ng pabahay, or dahil madaming magandang pangako. Tignan nyo yung mga nagawa nila bilang normal na mamamayan - kung madami syang nagawang maganda at nakakatulong sa bayan, saka mo tanungin sa sarili mo, “papano pa kaya kung maging presidente siya?”. We should vote for those candidates who can DO more, not those who can GIVE more - because giving is easy when you’re already in position. Doing, on the other hand, is a responsibility.

Politicians who genuinely care for our country, where are they? Tatakbo palang sila, nawawalan na sila ng chance. Ang mas may chance manalo ay yung kurakot na madaming pera (na ninakaw din nila sa taong bayan, tapos babawiin nila pag nailuklok na sila sa pwesto) Ayoko sabihin na tanga ang mga Pilipino kasi Pilipino din ako. Ako rin naiinis kasi nagbabayad din ako ng napakalaking tax, tapos nakikita ko wala rin naman napupuntahang maganda. Worse, napupunta pa sa bulsa ng mga politiko. Nakakainis pa lalo kasi nakakahiya yung mga politicians natin pag naibabalita sa world news. Tinanggal na sa pagiging presidente, pero nanalo pa din na mayor. Nakakulong na nga, nanalo pa ding senator. On trial sa pagnanakaw or napatunayang nagnakaw, biglang magkakasakit tapos hospital arrest instead of kulungan. Excuse me, gumawa yan ng kasalanan, may sakit man o hindi. Yung mga nasa kulungan ba pinapahospital nyo pag may sakit? ANOBER?! Nakakaloka. AND WE LET THIS HAPPEN...

Minsan parang gusto mo na lang sumigaw sa inis. Pag nakukuha mo yung special pay mo tuwing December tapos makikita mo na 1/3 ng bonus mo ay napunta lang sa tax. “P*+#%&!$@ dugo’t pawis ko yan eh!” Tapos wala ka ng magagawa kasi hindi naman voluntary. Tapos pag uwi mo makikita mo sa news yung mga mukha ni Jinggoy, Napoles, Binay, atbp. ANG KAKAPAL!


Kung hindi lang maganda ang nature-tripping dito sa Pilipinas, malamang wala na talagang magkakagusto magstay dito. Ang sarap sana maglayas at tumira sa ibang bansa, pero karamihan sa atin hindi magawa kasi nandito mga pamilya natin, and all. Haaayyy..sige take a deep breath nalang. Join the plunge… to our doom! Hahaha joke lang. WAKE UP PINAS!

No comments:

Post a Comment